Pangitain at Panaginip


Halos  madapa  na  ako  sa  kakatakbo  at  nararamdaman  ko  na rin  ang  hapdi  sa  paa  ko  ng  dahil  sa  mga  sugat. Dulot  iyon  ng mga  bato  at  ugat  sa  madilim  na  gubat  na  tinatakbuhan  ko. Subalit  hindi  ako  maaring  tumigil.  Hindi  dahil  maaabutan  nila ako.  Wala  akong  ideya  kung  sino  sila  o  kung  bakit  nila  ako hinahabol!

Basta’t  ang  alam  ko  lang  ay  kailangan  kong tumakas.  Nadapa  ako  ngunit  muling  tumayo  at  tumakbo. Nagtaka ako  ng  biglang  nawala  ang  mga  humahabol  sa  akin kaya  tumigil  ako  sa  pagtakbo  ng  maabot  ko  ang  dulo  ng gubat.  Kakabit  iyon  ng  magandang  dagat  na  kumikinang  sanhi ng  liwanag  na  nagmumula sa  bilog  na  buwan. 

 Tumayo  ako  roon pansamantala.  Pinagmamasdan  ang  buong  paligid.  Sa  pag-ihip ng  pang-gabi  na  hangin  nayakap  ko  ang  aking  sarili  at napapikit. Sa  muli  kong  pagdilat  ay  may  natanaw  akong  mga  naglalakad sa  dalampasigan,  isang  grupo  ng  mga  nilalang  na  nakasuot  ng itim  at  mahabang  cloak.  Hindi  ko  makita  ang  mga  mukha  ng mga  ito  dahil  nakatago sa  malaking  hood.

  Anim  sila,  lahat  ay may  suot  na  kwintas  na  sumisimbulo  sa  isang  samahan  na hindi  ko  alam. Kumikinang  ang  mga  iyon  sa  liwanag  ng  buwan. Isa  ang  nauuna  sa  kanila  at  mukhang  ito  ang  pinuno, samantalang  ang  lima  pa  ay  may  bitbit  na  isang  lumang  sako. Punit-punit  na  iyon. Nanlaki  ang  mga  mata  ko  at  napasinghap  ng  makita  kong lumabas  sa  sako  ang  isang  duguan na  braso  kasabay  ng tuluyan  pagkapunit  niyon. 

Doon  ko  lang  napagtanto  kung  ano ang  laman  niyon. Katawan  ng  isang  babae.  Buhay  pa  ito  at naririnig  kong  umuungol  wari’y  nanghihingi  ng tulong.  Hindi  ko Makita  ang  mukha  niya  dahil  natatabunan  ng  buhok  nito. Binuhat na  ng  lima  ang  katawan  ng  babae  at  isinakay  sa Bangka  at  umalis  na  ang  mga  ito.

Anong  nangyayari?  Sino  ang  mga  iyon?  At  sino  ang  duguang babae?

“Janice!  Gising  na  tanghali  na!”  Narinig  kong  sigaw  ni  nanay mula  sa  ibaba.  Nag-inat  ako  at  tumayo.  Dumiretso  ako  sa banyo  para  maligo.  Nagbibihis  na  ako  ng  biglang  tumunog ang cellphone  ko.  Kinuha  ko  iyon  at  sinagot.

“Hello  babe,  happy  anniversary.”  Si  Jake  ang  nobyo  ko.

“Happy  anniversary  din  babe.”  Tugon  ko.

Ito  na  ang  ika-tatlong  taon  anibersaryo  naming  ni  Jake  at tatlong  taon  na  ang  relasyon  namin.  Nakilala  ko siya  ng iligatas  niya  ako  sa  mga  magnanakaw.  Pauwi  na  ako  noon galling  sa  trabaho  bilang  saleslady  sa  isang  department  store. Mabait  si  Jake  at  gwapo  pero  kung  minsan  may  pagka  weird  ito bagay  na  gusto  ko  sa  kanya.

“I’m  looking  forward  to  our  dinner  date  tonight.  Susunduin  kita at  nine  in  the  evening”

“Oo  ba!  Alas-siyete  ang  out  ko  sa  trabaho.”

“I  love  you  babe.”  Turan  ni  Jake.  Nahimigan  ko  ang  lungkot  sa boses  niya.  Gusto  ko  pa  sanang  magtanong

kung  may problema  siya  pero  wala  na  ito  sa  kabilang  linya.
Lumipas  ang  buong  maghapon  na  excited  ako  sa  date  namin  ni Jake.  At  para  hindi  ako  mainip  sa  kahihintay sa  pagdating  ng alas  nueve  ay  isinubsob  ko  ang  aking  sarili  sa  trabaho.

“Masyado  ka  atang  subsob  ngayon  sa  trabaho?”

“Jake!”  Tiningnan  ko  ang  wristwatch  ko.  “Ang  aga  `ah!  Ala-sais pa  lang.”

“I  can’t  wait  to  see  you.”  Sabi  nito.

Hinintay  pa  ako  ni  Jake  hanggang  dumating  ang  out  ko.  Lulan na  kami  ng sasakyan  niya  ng  mapansin  kong  papalabas  na  ng maynila  ang  daan  na tinatahak  namin.

“Saan  tayo  pupunta?”  Tanong  ko.  Pero  hindi  ito  nagsalita. Tahimik  lang

si  Jake  habang  nagmamaneho.  Tumingin  ako  sa labas  ng  bintana.  Bilog na  bilog  ang  buwan,  tulad  ng  nasa panaginip  ko. Halos  mainip  na  ako  sa  tagal  ng  aming  byahe  bago  kami nakarating  sa isang  liblib  na  lugar.  Puro  puno  at  napaka tahimik.  Huni  lang  ng  kuliglig ang  tanging  maririnig.

“Nandito  na  tayo.”  Ani  Jake.  Lumabas  na  ito  at  sumunod naman  ako  sa kanya.  Isang  kubo  ang  tanging  naroon  at  wala ng  iba  pa.

“Anong  gagawin  natin  dito?”  Hindi  na  naman  ito  sumagot. Pumasok  ito  sa  loob ng  kubo.  Hindi  na  ako  nakasunod  dahil may  narinig  akong  tila  mga  taong kumakanta  o  nagdadasal. Hindi  ko  maintindihan  ang  lenguwahe.  Mukhang nagmumula  iyon sa  likuran  ng  kubo.  Dala  ng  kuryosidad  ay  pinuntahan  ko iyon at  tiningnan.  Na  sana  ay  hindi  ko  na  lang  ginawa.  Inalihan  ako ng matinding  takot  ng  makita  ko  ang  grupo  ng  mga  taong nakasuot  ng  itim na  cloak  at  may  kwintas  na  may  simbolo. Dinadasalan  nila  ang  isang bangkay  ng  babae.

Napasigaw  ako  ng  biglang  may  humawak  sa  magkabilang  braso ko.  Pilit  akong nagpumiglas  at  swerte  naman  na  nakaalpas  ako. Hindi  na  ako  nag-aksaya  ng  oras  at  tumakbo  papuntang kagubatan.  Dahil  may  heels  ang  sandals na  suot  ko  ay napilitan  akong  tangalin  iyon.  Halos  madapa  na  ako  sa kakatakboat  nararamdaman  ko  na  rin  ang  hapdi  sa  paa  ko  ng dahil  sa  mga  sugat.  Dulot iyon  ng  mga  bato  at  ugat  sa madilim  na  gubat  na  tinatakbuhan  ko.  Subalit  hindi ako  maaring tumigil.  Hindi  dahil  maaabutan  nila  ako.

Tulad  na  tulad  sa  panaginip  ko  at  nakakramdam  ako  ng  dejavu. Wala  akong  ideya           kung  sino  sila  o  kung  bakit  nila  ako hinahabol!  Basta’t  ang  alam  ko  lang  ay kailangan  kong tumakas.  Nadapa  ako  at  sa  gilalas  ko  ay  may  humawak  sa dalawa kong  paa.  Hinatak  ako  at  dinala  sa  may  kubo.  Doon pinagkakgat  nila  ang  buo kong  katawan  pilit  nila  akong hinubaran  at  sinugatan  ang  buo  kong  katawan.

“Wag  niyo  siyang  patayin”  Sabi  ng  kung  sino.  “Dadalhin  pa natin  siya  sa  kabilang
ibayo.”

Binuhat  nila  ang  aking  katawan  at  isinilid  sa  isang  lumang sako.  Wala  na  akong lakas  upang  manlaban  at  alam  na  niya kung  ano  ang  mga  ito.  Mga  BAMPIRA! Anong  nangyari?  Hindi  ba dapat  ay  makakatakas  ako?  Iyon  ang  nasa  panaginip  ko. Ngunit noon  ko  lang  din  naalala  ang  sinabi  ni  nanay  tungkol  sa  mga panaginip. Kabaligtaran  daw  iyon  ng  reyalidad.  Wala  na  akong maramdaman  at  tila  na  lang akong  isang  nauupos  na  kandila na  malapit  ng  mamatay.  Naramdaman  kong  bumagsak ang katawan  ko  sa  lupa.

Napunit  ang  sako  at  sa  nanlalabong  paningin  at  nakatabong buhok  sa  aking  mukha  ay nakita  ko  ang  makinang  na  dagat. Iginalaw  ko  ang  aking  ulo  at  napaluha  ako  ng  Makita ko  ang aking  sarili  na  nakatayo  sa  ibabaw  ng  isang  mataas  na  lupa. Nakatingin  lang  ito sa  amin  at  tila  inaalam  kung  anong nangyayari.  Tinangka  kong  magsalita  upang  balaan ang  aking sarili  subalit  isang  malakas  na  ungol  lang  ang  napakawalan  ko. Subalit  huli  na ang  lahat  dahil  binuhat  na  ako  at  isinakay  sa Bangka.  Doon  ko  tinanggap  na  wala  na akong  pag-asang mabuhay  pa.  At  sa  nanlalabong  paningin  nakita  kong  tumakip sa  bilog  na  buwan ang  mukha  ni  Jake na  may  malalaking pangil  at  kinagat  ang  leeg  ko.

-End



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento