CHICKEN VAMPIRE!!!
Vampire Addicts!
BOSS: Dahil sa pagkahooked ng mga tao sa BAMPIRA, inutusan ko ang aking mga ahente na gumawa ng pagsisiyasat tungkol sa kanila at iparating sa inyo ang nakalap naming impormasyon.
Pumunta ang
lima sa isang
lumang lumang kastilyo
para maghanap at
alamin kung totoo
nga ang mga
bampira. Subalit sa
kasamaang palad ay
hindi bampira ang
natagpuan nila kundi
CHICKEN ADDICT! At
hinabol sila nito
para daw gawing
tanghalian.
AGENT ADOBO:
TAKBO!!!!!!!!!!!!
AGENT TINOLA: Sino ba
kasi ang may
sabi na pumunta
tayo dito at
maghanap ng bampira?
AGENT PRITO: Utos
‘yon ni BOSS! Isa pa nakikisunod
lang tayo sa
uso dahil bukod
sa libro at
movies, nakikisali na
rin pati teleserye.
At kaya tayo
nandito sa lumang
kastilyo na ito
ay para malaman
at patunayan kung
may mga bampira
nga talaga!
AGENT ROASTED: Kaya
ikaw ang dapat
na sisihin! Pero
ayon sa nabasa
ko sa internet.
Nagmula ang teorya
ng mga bampira
sa taong nagngangalang
Dracula at isa
rin sa pinagkuhanan
ng legend si
kondesa Elizabeth Bathory.
Ang pinakamasamang Kondesa
ng kanyang kapanahunan.
Malakas kasi ang
sabi sabi na
iniinom niya ang
dugo ng mga
taong namamatay ng
dahil sa torture
niya. Ang epekto
no’n sa kanya
ay walang hanggang
kagandahan.
(Nagsiputakan ang ibang
mga manok sa
sinabi ni Agent
Roasted.)
AGENT ADOBO: May
gana ka pang
mag trivia? Heto
nga’t hinahabol na
tayo ng taong
mahilig sa manok!
At pati Pwet
hindi niya pinapalampas!
Aw Shet! Bilisan
niyong tumakbo kung
ayaw niyong maabutan tayo!
TURBO MASTER: Kung alam
ko lang hindi
ko na sana
tinanggap ang misyon
na ito.
AGENT ROASTED: Sinusuway
mo na si BOSS?
TURBO MASTER: Siyempre naman nagbibiro
lang ako. Mahal
ko si BOSS
at never
ko siyang susuwayin!
Pero ayoko pa
rin magbahagi ng katawan sa
Andoks, Chooks to go at
Sir. Pedro at
lalo namang ayokong
mapunta sa tiyan
ng chicken addict
na ‘yan!
AGENT ADOBO: At anong
gusto mo? Ang
maging Chicken Vampire?
AGENT TINOLA: Come
to think of
it…Paano sila mangangagat
para makapangbiktima? Manunuka?
TURBO MASTER: Pa’no kapag
nakita ‘yon ng
mga tao? Isa
lang ang marka.
Iisipin nilang bungi
yung kumagat! Ihahalintulad
mo pa ‘yon
sa plant versus
zombies.
AGENT PRITO:
Magkaiba ‘yon! Alam
mo kung bakit?
Maraming matutuwa na
makakita ng maraming
manok sa lawn
niya lalo na
sa mga taong
walang ulam!
AGENT ROASTED:
Tigilan niyo na
nga ang kakaputak
diyan! Hanapin niyo
na lang ang
pintuan!
=)
SAMPUNG MINUTO PA
ANG MAGAGANAP NA
TAKBUHAN PAIKOT NG
BUONG PALASYO, SO PLEASE STAND BY!
TURBO
MASTER: At last the
DOOR!!
AGENT
PRITO: COURAGE!
=)AT
DAHIL SA SOBRANG
PAGKA-EXCITE NG LIMANG
MANOK AY DIREDIRETSO
SILA SA PINTUAN;
ANG HINDI NILA
ALAM AY NAKA-LOCK
ITO KAYA ANG
NANGYARI…..SABAY-SABAY
SILANG BUMANGGA DOON.
TURBO
MASTER: Pihitin niyo yung
doorknob!
AGENT
TINOLA: TUNGAW! Mga
manok tayo, wala tayong
mga daliri.
AGENT
ADOBO: Sinong may
sabi na dumaan
tayo sa pinto?
E, ayan o,
ang laki ng
bintana (itinuro ni
agent Adobo ang
bintana na mas
malaki pa sa
pintuan) LIPAD!
AGENT
ROASTER: Such a
brilliant idea for
a chicken headed
brain! Pa chicken
burger ka naman!
=)PINAGTUTUKA
NG MGA KASAMAHAN
NIYA SI AGENT
ROASTER DAHIL SA
WA KWENTA BIRO
NITO. SA BANDANG
HULI NILIPAD NA
RIN NILA ANG BINTANA
PARA MAKATAKAS SA
CHICKEN ADDICT.
AGENT
PRITO: FREEDOM! (Lumilipad na
sabi nito)
LEA
KURUKUTUNG: Bumalik kayo
rito! TANGHALIAN!
“Mag
chicken burger ka
na lang” Sabay-sabay
na sabi ng
limang manok habang
lumilipad (walang kokontra!
Basta lumilipad sila!)
AGENT
PRITO’S REPORT:
‘BAMPIRA’ Isang
nilalang na sumisipsip
ng dugo ng
tao. Sa pagkakaalam
ko, buhay na
ang mga nilalang
na ito 15th century
pa lang at
magpasa hanggang ngayon
ay nananatili pa rin ang
mga usap-usapan tungkol sa
kanila. Hindi ko
nga alam kung
bakit sa dinami-rami
ng mga kwento
tungkol sa mga
bampira, kakaunti lang
ang mga ebidensiya
na maaaring magpatunay
na totoo nga
ang mga ito.
Gaya na
lang ng kwento
tungkol sa mga
sindikatong nakasakay sa
van at dumudukot
ng mga bata.
Ayon pa sa
nasabing kwento kinukuha
‘DAW’ ng mga
naturang sindikato ang
laman loob ng
mga biktima at
ibinebenta iyon sa
black market. (Mabuti
na lang at
nauna akong nakita
ni BOSS. Kung
hindi baka nakuha
na ako ng
mga sindikatong ‘yon.
PANIGURADO! Sa mainit
na kawali o
bakal na may
nagbabagang uling ang
kababagsakan ko. Lahat
pa naman ng
parte ng katawan
ng mga manok
hindi na pinapatawad
ng mga tao
ngayon.)
Mabalik tayo
sa usapan. Maraming
kwento ang lumabas
at gaya ng
bilis ng pagkalat
ng kopya ng
laban ni Paquiao
sa mga pirated
DVD’s ganoon rin
kabilis kumalat ang
tsismis sa buong
bansa. Dahilan para
matakot ang mga
magulang para sa
kanilang mga anak.
Naghigpit ang mga
magulang, nagkaroon ng
curfew pati mga
balut vendors binawalan
na rin gumala (YIIIIS!!! Nabawasan ang
mga nagtitinda ng
itlog ng mga
panahong ‘yon at
nabawasan din ang
abortion ng mga
itik ng 1%!) bukod
doon may mga
lumabas pa na
mga plate number
ng mga van
na dumudukot sa
mga bata ngunit
pagkalipas ng ilang
araw lumabas na
hindi nag-e-exist ang
mga numero ng
mga plaka.
Ano
ba talaga ang
totoo mga tao?
Siguro (sa palagay
ko lang ha?)
mga bampira ang
dumudukot sa mga
bata ‘tapos kinakagat
nila, ‘tapos ibabalik
nila na parang
walang nangyari. Ewan
ko ba! Marahil
ay nasobrahan lang
sa panonood ng
vampire diaries ang
nagpakalat ng tsismis.
AMININ MO! (OO! IKAW NA
BUMABASA!)
May
time sa buhay
mo na naka-encounter ka
na ng mga
taong nagsabi ng
ganito “ANG SARAP
SIGURONG MAGING BAMPIRA
ANO? COOL!” pero
kung wala man magbago
ka na dahil
nahuhuli ka na
sa latest Trend
ng mga tao.
Sa
panahon ngayon kung
saan marami ang
normal na tao
marami ang gustong
magpaka AB-NORMAL. Marami
ang gustong maging
bampira at sumipsip
ng dugo. (sa
bagay mas maigi
na ‘yon kaysa
ang maging lamok!)
totoong cool ang
maging bampira dahil
marami kang advantage sa
normal na tao.
In short may
super powers ka
(oha! Sa gano’ng
paraan hindi mo
na kailangang magkasakit
at uminom ng mga gamut
na may therapeutic
claims!) uminom ka
lang ng dugo
solved na ang
buhay mo AT
lalakas ka pa
na parang si
superman!
Totoong nakakaaliw
ang kwento at
palabas tungkol sa
mga bampira, subalit
bukod sa pag-iisip
na maging isa
sa kanila. May
mga bagay pa
na mas dapat
natin pagtuunan ng
pansin. Gaya na
lang ng buhay
mo. Importante ‘yan
pustahan pa tayo!
Ikaw lang ang
nagsasabi na hindi
Kung gusto
mong maging bampira
nasa sa’yo ‘yan.
Pakagat ka lang
sa lamok na
may dengue and
PRESTO! Dadalhin ka
na sa ospital
at ipapalaklak sa’yo
ang mga dugo
galing sa blood
bank! Kung gusto
mong maging chimpanzee
nasa sa’yo pa
rin ‘yan. Pero
ito ang dapat
mong tandaan. Isa
ka lang tumpok ng
karne na binalutan
ng balat at
binigyan ng buhay.
Kumbaga FRESH ka!
Ang mga bampira,
maihahalintulad ‘yan sa
mga ‘BOTCHA’ double
dead meat. Patay
na pero nagpipilit
pa rin mabuhay.
Ang double dead
meat naman sira
na pero pilit
pa rin ibinebenta.
Kung totoo
man o hindi
ang tungkol sa
mga bampira WALA
NA AKONG PAKIALAM
DOON! Subalit hindi
na natin maitatanggi
na naging parte
na sila ng
buhay natin. Nakakapagpatakot, nakakapagpasaya at
nakakapagpagana ng imahinasyon.
Hindi na ‘yon
ma-alis at nasa
sa’yo na ‘yon
kung paniniwalaan mo
sila o hindi.
BASTA AKO
KUNTENTO NA SA
PAGIGING MANOK!
TURBO MASTER: Prito!
Nagpasabog na ng mga butil
ng mais sa
Head Quarters! Kakain
na!
AGENT PRITO: Huwag
kang magulo, gumagawa
ako ng report.
TURBO MASTER: Mamaya na
‘yan kumain muna
tayo.
AGENT PRITO: Anong mamaya
ka diyan? Kapag
hindi na satisfied
si BOSS sa gawa
ko. Malamang na ako na
ang uulamin mamaya.
Ayoko ngang mai-prito.
TURBO MASTER: Bahala
ka na nga
diyan! Uubusan ka
na naming ng
pagkain.
hahahahahahaha!!!!!!!!! ang kulit neto! ganyan na ba kaloko ang mga manok?
TumugonBurahinoo nga..ang kulit ng reports na ginawa nung isang agent
BurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinhindi dapat! kaawa-awa ang mga manok!
TumugonBurahin